Understanding PAGASA's Rainfall Warning System

By Bernard Alan Racoma

Image source: http://www.gov.ph/images/uploads/rainfall-english.jpg

Image source: http://www.gov.ph/images/uploads/rainfall-english.jpg

Ok bago tayo magsimula, magbigay tayo ng real life comparisons sa mga units na ginamit nila para mas madali.

Wag na natin gamitan ng mm/hour, while it pays to know and understand this measurement, medyo magulo yun eh. Gamitan na lang natin ng timba per square meter.

May timba o balde ba kayo sa bahay? Tingnan niyo kung gano kalaki yung timba na pinangliligo nyo sa banyo. Siguro 2-3 gallons ang kayang hawakan ng isang medium na timba.

Tapos tingin kayo sa sahig ninyo. May tiles ba? Depende sa laki siguro ang 1×1 meter ay ma-eestimate natin sa either 2×2 or 3×3 tiles. Kung wala naman kayong tiles try niyo i-extend ang arms ninyo ng perpendicular, pa-letter L. Yung area sa ilalim nito siguro 1×1 meter na yun.

I-enclose natin ang perimeter na ito ito ng aquarium glass, tapos pumasok tayo sa loob ng aquarium.

1174721_10151660850611871_1458745855_a

YELLOW WARNINGALERT. 2 gallons daw per square meter.

Ibuhos natin ang ISANG timba sa loob ng ating aquarium. Babaha ba? Siguro ankle deep. Dapat ba tayong mabahala? Kaunti, kasi ayan na eh, umuulan na eh. Dapat maghanda na tayo para kung sakali mang umakyat tayo sa…

ORANGE WARNING. PREPARE. 4-8 gallons per square meter.

Ibuhos natin ang DALAWA hanggang APAT na timba sa aquarium. Aakyat na ang tubig. Lalagpas na yan sa ankles mo, baka rin umabot sa tuhod. Siguro kapag malapit ka sa bodies of water (ilog, creek, sapa) ito na ang panahon para maghanda ng umailis.

RED WARNING. EVACUATE. 8 gallons pataas.

Mas marami pa sa APAT na timba na ang ibubuhos ko sayo. Lalagpas na siguro ng tuhod ang tubig sa ating mumunting aquarium. Kung nagbabantay tayo ng alerts kanina pa, by this time dapat nakapag-PREPARE ka na para lumikas. Hindi basta-bastang aakyat ang warnings sa Red, kaya dapat nung orange pa lang, nagready ka na.

Kapag ganitong klaseng panahon, isipin na lang natin na ang Pilipinas ay combination ng libu-libong 1×1 meter aquarium. Tapos ang aquariums na ito ay binubuhusan din ng tubig galing sa libu-libong timba. Kung tuluy-tuloy ito, sigurado niyan, babaha.

 So ang general rule gamit ang ating 5 gallon bottle analogy:

 Yellow: 1 timba

Orange: 2-4 timba

Red: 4 timba pataas 

As a post script: rough estimates lang yung ibang values dito. While hindi sila exact (di ko alam kung aabot o lalagpas talaga ng tuhod), at least mas madali silang i-visualize.

Image sources: 

http://www.gov.ph/images/uploads/rainfall-english.jpg

http://tl.wikipedia.org/wiki/Talaksan:Balde.PNG

Bernard Alan Racoma is a Science Research Analyst of Climate X, a project that predicts rainfall in the Philippines. Climate X is one of the eight component projects of the NOAH Program

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

six + four =